Nagtaka ako nang gumising akong katabi kita. Pero di na lang ako nagsalita kasi gusto ko rin ang nangyayari. Nanibago ako sa inaasal mo. Pero dahil natutuwa ako sa ginagawa mo di na rin kita pinigilan. Sino ba namang akong di manghihina sa mga yakap at halik mo. Di man ako makapaniwala ay di na ako nagtanong kahit sa isip lang. Napapikit na lang ako.
Nag-alarm ang cellphone ko at pagmulat ng mata ko ay ginising ako sa katotohanang mag-isa lang ako sa kuwarto. Gusto ko mang ituloy ang naudlot na panaginip pero kailangan ko nang bumangon para ituloy ang aking buhay sa labas ng pantasya at panaginip. Bumaba ako para maligo kahit nilalamig pa. Mabuti na in sigurong lamigin para gumising nang tuluyan ang natutulog ko ang diwa.
Natutuwa ako kahit papaano ay may naalala na akong panaginip mula ng malipat ako sa day shift. Hudyat ito nakakatulog ako ngmahimbing. Dati kasi noong nasa night shift pa ako hirap akong matulog. Panay power nap lang ang nagagawa ko. Importante sa insomniac natulad ako ang bawat minuto ng tulog. Bunos na lang na paminsan-minsan ay nagiging chickboy ako sa panaginip. Lalabasako ng bahay kahit di pa sikat ang araw at magtatrabaho para kumita, makaipon at malay mo gigising mga akong katabi kita.
Hay panaginip. Doon lang muna kita pwedeng mahalin.
