RSS

Category Archives: Personal Letters

Sulat para sa aking anak

Dear Anak,

Ang sulat na ito ay sapat nang puweba na may topak ang ama mo. Sino ba ang matinong susulat sa taong hindi pa nag-iexist? Isinulat ko ito nong hindi ko pa tiyak kung magkaka-love life nga ba talaga ako. Natural, malabo pa kung isisilang ka. Maaring hindi ko pa noon kilala ang nanay mo. May nagugustuhan na ako noon pero sa blog ko lang siya liniligawan. Marahil habang binabasa mo ito ay hindi na uso ang blogging. Basta ang blogging ay uso  sa mga introvert tulad ng ama mo.

Habang isinusulat ko ito ay kasagsagan ng impeachment proceedings sa senado laban sa chief justice ng supreme court na si Renato Corona. Inakusahan si Corona ng noo’y pangulong Noynoy Aquino na diumano’y pinoprotektahan nito ang noo’y kakababa lang sa pampangulohan na si Gloria Macapagal-Arroyo. Si Arroyo ay naluklok bilang pangulo sa pamamagitan ng EDSA Dos. Hindi ako magtataka kung hindi ka pamilyar sa EDSA Dos kasi kahit labing-isang taon pa lang ang nakakalipas ng EDSA Dos noong isinulat ko ito ay hindi na namin ginugunita ang EDSA Dos. Iyong librong nalathala ukol sa EDSA Dos na gusting gusto kong bilhin noong una ay hindi ko na rin binili noong nakita kong nakabargain sa ground floor ng ELJ Communications Center. At si Erap na pinatalsik ng EDSA Dos ay muntik pang manalo kung hindi lang tumakbo si Noynoy. Siya nga pala muntik ko pang makalimutan na si Erap pala ay ang unang naimpeach. Alam ‘nak noong isinusulat ko ito ay may kaunti akong panghihinayang sa mga oras na sinayang ko kakapanood ko ng impeachment ni Erap. Kung nag-aral na lang siguro ako ay mas mayaman na tayo.

Kung naguguluhan ka sa kuwento ko, dalawa ang dahilan niyan. Una ay magulo talaga ang pulitika kasi mas yumayaman ang mayamang pulitiko habang magulo ito. Sigaw sila nang sigaw ng pagbabago tuwing eleksiyon pero sa totoo lang hindi magkatugma ang pagbabagong nasa isip natin sa nasa isip nila. Ang sa atin ay pag-angat ng ating kabuhayan. Ang sakanila ay pagpalit ng upuan. At kung hindi sila magkasya gagawa sila uli ng upuan. Dati ay taga-fourth congressional district ako ng Camarines Sur, noong isinusulat ko ito ay sa fifth district  na ako uuwi tuwing bakasyon hindi dahil sa lumipat ang lola mo ng bahay. Gumawa lang naman sila ng panglimang district kung saan kakandidato si Dato Arroyo, anak ni Gloria Arroyo. Ang mga pulitiko ay nakikinabang sa kalituhan ng mamayan. Siguro ngayon kung namimiyesta ka ay sa Nueva Camarines ka na umuuwi.

Pangalawa ay magulo ang aking isip. Maraming gumugulo sa utak ko noong isinusulat ko ito. Nariyan ang maraming what if ng buhay ko. What if nakipagkilala ako sa seksing babaeng may tattoo sa kaliwang balikat na kulot ang buhok na madalas kong makita sa UP Cine Adarna tuwing may foreign film napalabas. Minsan sinubukan kong lapitan kaya lang na-threaten ata sa akin at mukhang napagkamalan pa akong serial killer. Pero hanggang isinusulat ko ito ay nagbabasakali pa rin akong makita kong muli si Kulot Cinephile para magpakilala ng maayos.  Kaya lang medyo naging mas abala ako noong nag-aral akong muli kaya hindi na ako nakakapunta sa Adarna.  Pero bilog ang mundo, malay mo. Kung kulot ka anak at madalas tayong manood sa Adarna at kumain sa Rodick’s, ibig sabihin noon ay siya ang nakatuluyan ko. Chickboy ata anak ang tatay mo, kahit sa pantasya lang. Pero lahat ng chickboy sa mundo isa lang ang naman talaga ang mahal. Noong isinsulat ko ito, iisa lang naman lagi ang naiisip ko. Si A, si A na madalas kung sulatan pero sa blog lang. Oo si A, na hinihintay ko sa labas ng simbahan. Si A na ang pangalan ay hindi mabangit na walang ngiting naiiwan sa aking mga labi. Kaya anak kung mahaba ang middlename malamang si A na ang nakatuluyan ko. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Hay walang katapusang what if. May topak talaga ang ama mo anak. Pero sana kahit hindi ako pumasa sa pamantayan ng ideal mong ama ay huwag mo akong ikahiya.

Bentesiyete noong isinulat ko ito wala akong matatag na panghahawakan na magkakaanak nga ako o magkakaroon ng karelasyon. Nauupos na rin noon ang pangarap kong maging radio-love guru at medyo malabo noon na magkakarera ako sa paggawa ng pelikula. Hindi ko rin alam noon kung sino ang makakatuluyan ko. Pero buo ang paniniwala kong mayayakap kita sa aking mga bisig. Lagi mo sanang ingatan ang iyong sarili at magpakatatag ka sa lahat ng panahon.

 

Ang iyong ama,

Tatay Ped

 
7 Comments

Posted by on February 17, 2012 in Personal Letters, Senti

 

Hello

Hello is the longest word I can say whenever we have chance encounters. This will be replied by a smile, a wave and almost inaudible hello. Hello could be be a cliché that has lost its meaning because we often use it. Hello could be a filler we can use whenever we are cought off guard and we got nothing to say.

What would I say when I see you smile with your eyes as well? My default mode is to smile back, walk away and regret how I spoiled the golden oppurtunity. You might think my “hello” means “Nice to see you but I got to go”. I hope you would not perceive hello as an empty greating because for me this two-syllable word envelopes the little speeches I have been writing on my mind.

“Hello” you will here again when we have another chance encounter. You will catch me gazing at your eyes smile. I will smile back. My feet would bring me away from you because of nervousness. My actions mean the opposite of what I want because I have always wanted to be with you.

 
Leave a comment

Posted by on January 25, 2012 in Personal Letters, Senti

 

Tags: ,

Para kay A*

Lulan ako ng jeep papuntang Sucat nang bigla kitang maalala. Ikaw na laging umupo sa gilid. Ikaw na halos minsa ko lang marinig magsalita. Ikaw na lagi kong hinihiling na makita. Ikaw na sa tuwing masasalubong ko ay nasasabihan ko lang ng “hi” at kung minsan nakakawayan ko lang. Medyo napasarap ang pagmumuni-muni at walang trapik kaya kahit iang beses na akong dumalaw sa tiyahin ko sa Sucat ay lumampas ako at sa Bagunbayan na ako nakababa.

Maikukuwento ko kaya ito sayo ng personal? May matatawa ka kaya? Hindi ko alam dahil hindi ko sinubukan. Marahil ay matatagalan pa bago mangyari iyon. Maaari ring hindi na. Malay ko baka makapag-asawa ka na pala ngayong taon.

Kung mabasa mo man ito, maiisip mo kayang patungkol ito sayo. Ilan ba ang Pinay na A ang simula ng pangalan? Aber?! Kung magtatrabaho siguro ako sa diyaryo ay ako ang magsusulat ng blind item. Mahuhulaan mo kaya na ikaw ang tinutukoy ko? Minsan mo nang nahulaan ako si pedbanayad baka ngayon ay mahulaan mong ikaw si A.

 

 

—————————–

* Pasintabi kay Ricky Lee

 

 

 

 
2 Comments

Posted by on January 2, 2012 in Personal Letters, Senti

 

Repost:Dear 16-year-old Ped

Nasubukan nyo na bang sulatan ang inyong future self? Ginawa ko yon dati. Iyon nga lang ay di ko naitago. Pero isang lalake sa UK ang di lang nagsulat sa kanyang future self, sinagot niya rin ang kanyang sulat ng kanyang past self. Sa UK, noong 2009 ipinablish ng The Guardian, ang sulat ni Stephen Fry, 51 anyos, sa kanyang 16 anyos na sarili. Ang sulat sagot niya sa isinulat niya noong 1973 para sa kanyang future self. Madamdamin ang sulat at nakuha nito ang atensyon ng marami.At marami na ang nagsigaya. Dahil uso ito sa mundo, sumulat din ako sa 16-year-old self ko noong May 9, 2009 at ipinost ko sa dati kong blog na pedscrossing.spaces.live.com kaya lang ay pinutol na ng Microsoft ang pagsusuporta sa mga personal blogs kaya ilinipat ko na dito yon nga lang ay natabunan na ng ibang post kayat di nababasa. 

Dear Boboy,

Third Year ka na at ngayon ay naaadik ka sa pangungupya kay Joker lalo na sa Trigonometry, tumigil ka na sa isang taon papasa ka sa UPCAT mahihirapan ka sa pag pumasok ka na sa UP. Lagi ka ring gumawa ng assignment. Kailangang mong idevelop ang kasipagan sa pag-aaral. Pagtuonan mo ng pansin ang Chemistry. Pagpasok mo sa UP mawawalan ka ng scholarship dahil sa katamaran mo sa Chemistry. Magagalit sayo ang Mama mo. Mahihirapan ka nang bumalik sa eskwela pag-alis mo sa UP.

Buti naman at ginawa mong tambayan ang library. Memorized mo na nga ang Dewey Decimal System. Kilala ka na ng librarian. Pero sumusobra naman ata . Kailangan mo namang balansehen ang buhay. Trabahuhin mo naman ang sosyal life mo. Mag-aral ka kayang maglaro ng basketball di pa naman huli ang lahat. Matutong mag-ayos ng sarili. Yayaing isiyaw ang crush sa JS Prom. Hanggang sa pagtungtong mo ng edad na 25 iisipin mo pa rin kung ano kaya ang pakiramdam kung sinubukan mong isayaw siya.

Magpreno ka naman sa mga green jokes mo lalo nat kakapikon ka na sa mga classmate mong babae. Alam ko bitter ka sa mundo kala mo kasi ang pangit-pangit mo at wala kang tsansang magka-girlfriend. Irespeto mo sila kasi wala silang pinagkaiba sa Mama mo at ate mo. Habang maaga pa, itigil mo na rin kakapanood ng porns. Kaya kung may nagyaya, say no. Mas lalo lang dudumi utak mo.

Ngayon palang ayusin muna ang accent mo at typing mo. 2005 susubukan mag-aapply mong sa Call Center pero malalaglag sa accent at typing. Huwag kang panghihinaan ng loob. Loveless ka man okey lang ang buhay. Walang mali sa itsura mo, baguhin mo lang ang atityud mo. Natutunan ko habang tumatanda” May mga bagay na di natin mababago, baguhin mo na lang ang pananaw mo ukol doon.”

Ang iyong hindi na gaanong hunghang na mas matandang sarili,

Ped

 
Leave a comment

Posted by on June 27, 2011 in Personal Letters

 

a csr in love

Dear ****,

A part of me is telling this is crazy. I am a call center agent who is struggling with his new sales campaign. Anytime I can loose my job if I fail to hit my quota. Though I blog from time to time, I can’t write a piece with out consulting dictionary.com and I misspell a word if the T9 dictionary of my cellphone does not not know the word either.

Although I get paid while talking at least 8 hours everyday still I cann0t express myself. I cannot bring my cheat sheets of spiels, scripts and rebuttals when I approach you to start a small talk. I cannot place you on hold and make a quick research when I run out of words to say. There is no mute button that I can use when I need a resbak from my pick up guru. I cannot make ninja moves and discreetly disconnect  our conversation. Unfortunately we do not have that privilege in life away from the Avaya. In a face to face conversation, disconnecting the line is similar to disappearing in  front people you have a conversation with which is really creepy.

I never been assertive in my life so when I was offered a sales rep post in my new company I was hesitant to accept the offer. I cannot believe I would pass the product training but to my surprise I was endorsed to nesting and already made my first sale. If I would be endorsed to the production floor I am expected t close three sales a day, that i 15 in a week and at least 60 sales in a month. That is a lot of pitching. I hope the skills I will learn on the floor will be useful in my personal life too.

There is a lot I want to tell you but I do not know where I am going to start with. You might notice me I sound like a telemarketer when I text but I hope you will find truth in words that I am keying in.

Sincerely yours,

ped

 
Leave a comment

Posted by on June 21, 2011 in Personal Letters

 

Para Kay Kulot

Kumusta ka na ba ngayon? Matagal na rin tayong di nagkakausap. O ano sinuot mo pa ba uli ang powder blue mong bra sa ilalim ng blusa mong itim na see-through ang likod? Maniwala ka sa’kin pangit tingnan talaga. Mas maganda siguro kong itim rin na bra ang ipapailalim mo. Peace! Miss ko na ang pagtatato ko sa braso mo gamit ang ballpen ko. Miss ko na rin ang pagpuna mo sa mga salu-salungat na kuro-kuro ko.

Hypocrite ang tawag mo sa akin. Pero alam mo ba na mas totoo ako kapag kasama kita. Alam ko kasing mas maiintindihan mo ako, yon totoong ako. Alam kong hindi mo ako huhusgahan. Para ka kasing dagat na tangap ng tangap sa ano mang bagay na iaagos ng ilog.

Mayroon kang di alam. Pinagbasehan ko ang buhay mo sa maikling kuwentong isinali ko sa isang writer’s workshop. Iyon nga lang ay di nila nagustuhan ang sinulat ko. Pero tatlong buwan din akong akong naghintay ng tawag nila. Hindi na ako uli nakapagsulat uli ng kwento mula noon. Medyo na-depress ako nang husto kasi noong mabasted ako ng besprend mo. Palagi akong tulala noon at madalas tumambay at sementeryo. Iyon na ata talaga ang pinakaaning na kabanata ng buhay ko.

Limang taon na rin pala ang nakakaraan. Di na ako masyadong idealista pero aning pa rin. Nagpalipat na rin ng trabaho mula sa pagtuturo ng English sa mga Koreano (o kuring kung patraydor naming pagtsismisan ) hanggang sa maging all-around boy sa panaderia hanggang sa maging palamunin hanggang sa maging call center agent. Heto ako nagsisi kasi ibinagsak ko ang Chem 23. Mas mahirap pala ang buhay sa labas ng Unibersidad.Di gaya sa loob mas aaming oras magloko.

Paminsan-minsan hinahahap kita sa internet di man lang  kita matsambahan na makita. Sayang di man lang ako nakapagpaalam ng maayos at nakapagpasalamat sayo. At siguro humingi na rin ng tawad.

 
1 Comment

Posted by on October 26, 2010 in Personal Letters

 

Reply to “An epiphany at a time of a writer’s block”

Dear Abby,

I am a follower of your blog Mishmash of Mirroring (http://www.mishmashofmirroring.blogspot.com/). I visit our blog at least twice a  month. I saw your shortest entry but one of the best pieces I read. You are right writing is not about filling in pages with words and deadlines to meet, because it is ought to "rouse, influence, and move people to transformations in thoughts, actions, and perspectives" . Writing, like other forms of arts, exists to fire up one’s anima. I might not have credits to call myself as wordsmith like you nor a writer. I have very minimal training as a writer, a big ratio of it was acquired while I was a cartoonist f our high school news paper. These would not make me less credible  to tell you that grasped the very essence of writing.Thank you for writing this entry that stirs up the intellects of your fellows and mere readers like me.

A believer of the power of your pen,
ped

 
4 Comments

Posted by on January 25, 2010 in Personal Letters