Bumiyahe siya galing Naic, Cavite papuntang Wowowee nang walang laman
ang tiyan at bulsa. Dala niya ang senior citizen ID niya na nagpaatunay
na 65 anyos na siya, mga certification na galing sa barangay council at
sa DSWD unit ng Naic na nagsasabing nasalanta ang bahay niya ng bagyong
Santi at ang pag-sang makakapasok siya sa Wowowee studio at mabibigyan
ng “kahit sampung libong piso man lang” para daw maipayos daw ang bahay
niya. Kuwento niya pagkatapos ng bagyo kung saan-saan na siya
nakikitulog. Alas nuwebe ng umaga daw siya umalis sa Naic. Sumakay sa
bus nang hindi pinagbabayad ng konduktor pagkatapos niyang ikuwento ang
madraman buhay niya. Pagkatapos magkaligaw-ligaw ay nakarating siya sa
Audience entrace bandang ala una kuwarenta ng hapon para sabihan ng
guard na pumunta sa Bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother House po yon).
Nasalubong ko siya habang pauwi ako galing sa shift. Nagpapasama sa
Bahay ni Kuya. “Bakit?” sabi ko. Saka napahawak siya sa akin at
ikinuwento kung bakit siya napaluwas ng Maynila. Kahit di ko
maintindihan ang dahilan kung bakit siya pinaupunta sa Bahay ni Kuya ay
sinamahan ko nagmamaaawang mama. Sa kainitan ng araw at sing init na
aspaltadong Eugenio Lopez Avenue ay kasama ko ng isang estrangherong
nanginginig. Sabi niya ay nanghihina na siya sa gutom. Inakay ko siya
sa pagtawid sa Bahay ni Kuya. Sabi ko sa guard na pinapunta si Lolo
Nestor ng guard sa audience entrance sa Bahay ni Kuya. Itinuro kami sa
Concert Hall sa tabi ng PBB House. Doon pala ang opisina ng DZMM Aksyon
Center. Napansin kong sanay na ata ang mga guard sa mga hindi nakapasok
sa Wowowee. Kaya parang call center agent silang nag-dedeliver ng spiel
habang nagtetext.
May limang babae doon pawang nanghihingi rin ng tulong. Isang dalaga
ang nag-iinterview sa kanila na kalaunan ay nalaman kong OJT pala.
Iniwan ko si Lolo Nestor sandali para ibili siya ng makakain at inumin.
Pagbalik ko ay siya na lang at isang ale na sa kuwarenta na ata ang
edad sa tabi niya ay shopping bag sa pagkapuno ay halos di na magkasya
ang termos na katamtaman ang laki, tuwalya, at mga damit. Tapos na
siyang ma-interview at naghihintay na lang. Maya’t maya ay lumabas ang
isang pang OJT para ibalitang hindi na siya matutulungan sapagkat
natulungan na daw siya ng PCSO. Pilit nagpapaliwanag ang ale na
kailangan pa raw niya pera sa pagpapagamot ng anak niya pero
masisigasig ang OJT sa pagsabing dahil galing na raw siya sa ahensiya
ng gobeyerno at ang binibigay lang daw Aksyen Center ay referals sa mga
ahensiya ng gobeyerno.
Matapos makaalis na ang ale ay nakuha ko ang atensyon ng OJT. Kumakain
pa non si Lolo Nestor kaya ikenuwento ko na lang ang istorya ni Lolo
Nestor. Kinuha niya ang ID ni Lolo Nestor at ang certification galing
sa DSWD. Ilang minuto ay bumalik ang unang OJT at yong panalawang OJT
kasama ang isa pa. Ibinalik nila ang ang papel at ID ni Lolo Nestor at
inabot sa amin ang referal at kailangan daw naming dalhin ito sa DSWD
NCR sa Legarda. Nadismaya ako. Sabi ko sa sarili dahil napasubo na
lubos-lubusin ko na. Nagpaturo ko kung paano pumunta doon. Pero di ko
talaga na intindihan basta sa sa Quiapo ay may masasakyan na kami
puntang Legrda. Lumakad kami papuntang Quezon Avenue. Naitanong ko kung
may asawa ba siya. Wala daw, anya. Mula daw ng dalawang beses na
pagka-onsyaming kasalan sa dalawang babae ay di na siya nanligaw.
Napabulong tuloy ako ng dasal, “Huwag naman sanang mangyari to sakin”.
Puno noon ang mga dyip papuntang Quiapo kaya sumakay kami sa FX. Nagtanong ako sa nursing student sa kaliwa ko kung paano pumunta sa Legarda, di daw niya alam. Bakit? Mukha ba akog adik kaya ayaw niya akong makausap? Sa UST siya bumaba kay malamang alam niya yong sakayan puntang Legarda. Sa tsuper na lang ako nagtanong at naikwento ang istorya ni Lolo Nestor. Sa awa ng mama ay isinauli niya ang pamasahe namin tinanggap ko naman at inabot ko kay Lolo Nestor ang kuwarenta pesos. YOng ale naman na nakaupo sa front seat ay nakuwento na kailangan daw munang magbayad ng dalawang daang piso bago makapasok sa Wowowee. Nagkunto pa si ale na ang anak daw niya ay naging kontestant sa Magandang Tanghali Bayan, ang show na pinalitan ng Wowwowee, kaya alam daw niya ang pasikot-sikot doon. Nakarating kami sa sa Quiapo nang marami akong natutunan mula sa ale sa front seat.
Sumakay kami dyip na biyahing Cubao at bumaba sa harap ng Centro Escolar University. Nagtanong-tanong sa hanggang marating namin ang DSWD mga pasado alas kuwatro.
Dahil galing sa kami sa DZMM ay binigyan kami ng fast lane number. Ilang minuto ay natawag na ang numero niya at pumasok para mainterview sa Crisis Intervention Unit (CIU) ng DSWD. Habang sa loob si Lolo ay nakapagtanong-tanong ako doon. Marami rin pa lang galing sa Wowowee doon. Merong mag-anak na galing Sorsogon kasama ang nanay nilang bulag ay nagbakasakali ring lumuwas sa Maynila para makapaglaro sa Wowowee. Hindi sila pinalad na makapasok at tatlong araw naghintay para makarating sa DSWD. Mayroon namang galing sa mga opisina ng mga pulitiko. Isa na ito ang aleng taga-Iloilo. Siya at ang kanyang dalawang anak ay nawalan ng trabaho noong Setyembre nang magsara ang pinagtatrabaohang restawran. Tumigil muna sila dito sa Maynila habang naghihintay ng separation pay, ngunit habang naghihintay ay kinapitan ng sakit ang kanyang asawa kaya nagagastos nila ang konting ipon. Dumulog siya sa isang senadorang nag-aambisyong maging pangalawang pangulo. Gaya kay Lolo ay binigyan din siya ng referal under “Balik-Probinsiya Program”.
Nalaman kong matapos ka raw mainterview ay babalik ka pa raw pagkatapos ng tatlong araw para irelease ang pera. May nagsabing patay na daw ang pasyente nila ay di pa dumarating ang tulong.
Nang dumilim na ay nagsitayuan na ang mga nanghihingi ng tulong. Di rin mapakali si Lolo Nestor. Pumasok siya sa loob ng tanggapan ng CIU. Paglabas niya sinabihan niya akong kailangan daw naming pumunta sa Castamdeve. Di ko siya maintindihan kaya pumasok na ako sa opisina. Sabi ng socia worker di raw nila sakop si Lolo dahil taga-Cavite siya. NCR office daw sila ang Cavite ay nasa region 4. Olats! Lekturan pa ako ng geography. Itinuro kami sa Region 4 ofice. Tanong ko sa kanya eh alas sais na po bukas pa ho kaya sila. Sabi niya, “CIU ho sila.”
Nagtanong-tanong kami at natagpuan ko ang sarili sa gitna ng mga estudyante. Kahit papano ay nawala ang pagkadismaya ko sa mga magagandang tanawing nakita ko. Hay sayang. Hanggang tingin lang ako. Sana di ako matulad ako sa kasama ko. Tumandang nag-iisa. Kasuloksulukan pala ang DSWD Region 4, ilang dorm din ang nadaanan namin. Sarado na ang gate ng DSWD sa Castamvide ng dumating kami pero may ilaw a sa loob. May nakita akong lalaking nakatayo sa bintana. Nagtaopo ako. Sabi ko kilangan namin ng tulong. Aniya sarado na daw sila. Sabi ko galing pang Cavite kasama ko. Isang naiiretang boses ng babae ang bumulyaw sa amin. Ah ewan di ko siya maintindihan. ay sarkasmo na lang akong nagpasalamat. Linakad namin papuntang Quiapo para makauwi na kaming dalawa. May sunog sa Recto noon kaya walang dyip.Ihinatid ko siya sakaan ng dyip puntang Baclaran. Doon siya makakasakay puntang Naic. Inabutan ko siya ng pamasahe. Doon ko na siya iniwan.






